Tuesday, June 14, 2011

Tadhana

Como estas, mga ungas. Ngayon ko lang 'to gagawin, kaya maswerte kayo. 'Di ako nag-Tatagalog sa lahat nga aking mga sinusulat sa kahit saan, dahil di lang ata ako nasanay sa ganitong pamamaraan. Pero sige, pagbibigyan ko ang sarili ko na rin na ipahiwatig ang aking nararamdaman sa kasulatang ito.

Hindi ako makaalis sa bahay ko, dahil sa kakulangan ng pera at sa kakahintay ng pwedeng mapag-diskartehan ng pagbebentahan ng mga gamit kong di magamit-gamit. Wala pa naman talagang magawa dito, at sobrang parang pakiramdam ko'y napapa-inutil ako sa katangahan ko. Maliban sa panonood ng mga pelikula dito sa bahay, ako'y naka-tengga lamang dito.

Hindi ko mabati ng maayos ang aking kasintahan sa pamamagitan ng aking Aino, dahil wala etong perang nakasaksak dito. Bahala na. Kahit na magalit siya, hahabulin ko pa rin ang oras, para lang siya ay makapag-usap muli sa akin. Ngayon ang kanyang kaarawan, at sobrang pinahahalagahan ko yun. Nahihiya nga ako't wala pa rin akong regalo sa kanya kahit papano eh...

Ah, basta. paggising ko sa umaga mamaya, hahanap ako ng mabilis at malinis na pagkakakitaan. Hindi pwedeng nakasaplot na lang lagi ako sa kumot ko't giniginaw. Para maging masaya ang mga taong mahal ko, keailangan kong magpawis. Kahit ngayong araw lang na ito.

Ang aking minamahal ay matapang, makulit, brusko minsan. Malambing din yan, kapag nasa tamang kondisyon ang puso. Hindi ko lang matimpla ng maayos minsan ang damdamin niya, kahit kalahating taon na kami. Pero hindi porke't mahal namin ang isa't isa ay hindi na ako magiging mabuting lalake araw-araw para sa kanya. Pero minsan, takot siyang magsalita ng kanyang damdamin kapag siya ay napipikon o nagagalit. Parang bawat panahon na may makita siyang hindi niya gusto, ako't burado na agad sa paningin niya at kailangan ko siyang ligawan ng todo para magbalik ang kanyang pagmamahal. Hirap akong panatilihin ito, kung aaminin ko. Pero hindi ako sumusuko dahil siya ang tadhana ng aking puso, at kahit ang kalagayan namin ay magulo sa paningin ng iba, madali lang ang aking piniling daan.

Mahalin siya ng lubusan.

Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin? Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo... Naririto ako at nakikinig sa iýo.

No comments:

Post a Comment